โ๐ฃ๐๐ก๐ฅ๐ข ๐ฆ๐ผ๐๐๐ต ๐๐ผ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐๐น๐ผ ๐ป๐ด ๐น๐๐ฝ๐ฎ"
TINGNAN: Nagsagawa ng pamamahagi ng titulo ng lupa ang DENR Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng South Cotabato, katuwang ang Community ENRO ng Banga, nitong Lunes, Agosto 10, sa mga benepisyaryo nito sa lalawigan sa pamamagitan ng programang โHandog Tituloโ na naglalayong palakasin ang seguridad sa panunungkulan sa lupa at mailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan.
Ayon kay DENR-12 OIC-Regional Executive Director Maria Elvira V. Lumayag, kabuuang limang (5) titulo ang ipinamahagi ng ahensya na ginanap sa South Cotabato Provincial Capitol Compound sa Lungsod ng Koronadalโtatlong (3) Special Patents para sa mga lupang pag-aari ng pamahalaan, isang (1) Residential Free Patent, at isang (1) Agricultural Free Patent. Kabilang sa mga tumanggap ng titulo ang Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato (466,172 sq.m.), BLGU Mambucal-Barangay Hall (2,311 sq.m.), Mambucal Day Care Center (241 sq.m.), Rosemarie G. Sua (163 sq.m.), at Dr. Nanette P. Franco (48,517 sq.m.).
Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng DENR-12 Regional Office, Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato, Land Registration Authority, at iba pang katuwang na institusyon. Binigyang-diin ni RED Lumayag ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagsusulong ng land tenure security, food security, pati na rin ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.
Sa pamamagitan ng 'Handog Titulo,' patuloy na isinusulong ng PENRO South Cotabato ang serbisyong may konkretong ambag sa buhay ng mga mamamayanโang pagkakaroon ng legal na pagkilala, seguridad sa lupa, at mas matatag na pundasyon para sa kinabukasan. ### (Mula sa ulat at kuhang retrato ni MPLaga-ac)





